National Museum Archaeological Collection
ARKEOLOHIYA
Palayok na hugis at anyong tao
Mga palayok na hugis at anyong tao ang natagpuan sa kweba ng Ayub sa Pinol, Maitum sa lalawigan ng Saranggani. Ang mga palayok na ito’y ginamit sa pangalawang paglibing ng Kapanahunang Metal, at tinatayang may edad na 5 B.C. hanggang 225 A.D. Bawat isa sa dalawampu’t siyam na palayok ay kakaiba. Ang mga takip na hugis ulo ng tao ay may iba’t-ibang mukha: kalungkutan, kali-gayahan, at katiwa-sayan. Ang mga ulo naman ay iba-iba rin. May payak at may butas-butas, samantala ang iba ay pininturahan ng pula at itim. May ngipin ang iba. May palayok na may braso at mayroon namang may dibdib (ng babae). Ang mga disenyo ay tulad sa ibang palayok sa timog-silangang Mindanao, subalit kakaiba ang anyo ng mukha. Ang paggawa ng mga palayok kung saan ipinakikita ang iba’t-ibang anyo ng mukha ay nagpapatunay ng mataas na antas ng kasanayan.
Ang pagkatuklas ng paglilibing sa banga ay makabibigay ng mahalagang tanda ukol sa nakaraan ng Maguindanao. Ang kaugaliang ito ay laganap hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa Timog-Silangang Asya. Ang kaugaliang ito ay nagsimula pa noong 1,000 taon bago dumating si Kristo hanggang ika-16 na siglo bago dumating ang mga Kastila.
hango sa