National Museum Archaeological Collection
ARKEOLOHIYA
Petroglip sa Angono
Ang kaunaunahan sinaunang guhit sa bato na masusing pinag-aralan ay yaong mga natagpuan sa pag-itan ng Angono at Binangonan, Rizal. Ang pook ay isang kanlungang bato o mababaw na kweba na may 63 metro ang lapad, 8 metro ang lalim at 5 metro ang pinakamataas na sukat. Isang daang dalawamput-pitong guhit ng tao ang nakakalat sa pader. Ang mga ito ay inukit sa mukha ng kanlungang bato sa pamamagitan ng pirasong bato. Ang mga ukit ay may lalim na 10 centimetro hanggang sa malabong guhit. Binubuo ang mga larawan ng bilugang ulo na mayroon o walang leeg at nakapatong sa rektanggulo o korting “V” na katawan. Ang linya o guhit ng braso at binti ay kadalasang nakabaluktot. Ibat-iba ang nakaukit sa bato, may trayanggulo, may rektanggulo at may bilog.
Ang sining sa bato ay iniugnay sa paniniwala ng isang tanging grupo ng tao. Ito ay simbolo at hindi dekorasyon. Bihira ang sining na ito sa Pilipinas. Napaulat ito sa iilang pook tulad ng kweba ng Penablanca sa Cagayan Valley; sa mga nakausling bato sa Alab, Bontoc sa Mt. Province; at sa kweba sa Singnapan sa Ransang, Palawan.
hango sa