National Museum Ethnographic Collection
ANTROPOLOHIYA
Damit Pang-itaas ng Tagakaolo
Ang damit pang-itaas ng mga Tagakaolo ay gawa sa abaka (Musa textilis) at may palamuting pira-pirasong kabibe. Ito’y sinusuot ng mga lalaking Tagakaolo sa mga mahahalagang okasyon.
Kinolekta ito ni O.V. Wood noong unang bahagi ng ika-20 siglo sa Sta. Cruz, Davao. Ito ay may habang 0.38 metro.
hango sa