National Museum Ethnographic Collection
ANTROPOLOHIYA
Tambol ng Maranao
Ang tambol na ito, na tinatawag ng mga Maranao na tabu, ay mula sa inukit na troso. May mga nakalilok na disenyong halaman at bulaklak sa kabuuhan ng katawan ng tambol. Ang tatlong suson na patungan ng tambol ay may nakaukit na hugis pako at kianoko (hugis kuko ng kamay). Ang pamatungan ay gawa rin sa inukit na kahoy. Ang ganitong uri ng tambol ay ginagamit sa loob ng mosque at nagsisilbing pangtawag sa mga debotong Muslim na Maranao.
Ang tambol na ito ay katangi-tanging koleksyon ng Sangay ng Antropolohiya sapagkat sa ngayon, iilan na lamang ang gumagawa ng ganitong klase ng tambol sa dahilang bibihira na rin ang mga Maranao na nag-uukit. Ang di-pangkaraniwang laki nito ay bihira na ring makita sa mga masque ng Muslim ngayon.
hango sa