National Museum Ethnographic Collection
ANTROPOLOHIYA
Tanda ng Libingan ng mga Sama
Bagama’t nabubuhay sa laot, inililibing ng mga Sama D’Laut ang kanilang mga patay sa lupa. Bilang pananda sa mga libingan, gumagamit sila ng mga kahoy na mala-tao ang hugis at nagpapakita ng kasarian at edad ng namayapa. Ang mga ito’y nagsisilbing tanod ng mga sumakabilang-buhay.
Ang mga pananda ng libingan ay binubuo ng isang tuwid na kahoy na tinatawag na sunduk. Ito’y inilalagay sa may ulunan ng libingan. Sa harap ng sunduk ay isang bunton ng lupa o buhangin, at ang buong lugar ay pinalilibutan ng isang hugis-parihaba na balangkas na tinatawag na kubul. Ang pigurang karaniwang nakaukit sa mga panandang kahoy ay ang dugong, kasama ang buwaya, ibon at pigurang tao. Paminsan-minsan, ang sunduk ay isinusuot sa isang baseng may hugis dugong, bangka, kahon, o isang uri ng hayop. Ang mga nasabing gayak ay kumakatawan sa paniniwala ng Sama sa pagpunta ng kaluluwa sa kabilang buhay.
hango sa