National Museum Ethnographic Collection
ANTROPOLOHIYA



Kulingtangan at korsi ng Maranao







Ang korsi ng Maranao ay isang upuang kahoy na may ukit niaga (pako) sa bandang harap, at ukit agila sa may bandang sandalan.

Kasama sa upuan na ito ay ang kulingtangan. Ang kulingtangan ay isang gamit pangmusika na mayroong walong magkakaibang tunog na agong. Ito’y kadalasang ginagamit tuwing may mahahalagang okasyon tulad ng kasal, pagbendisyon ng bagong tayong bahay, at pagtanggap ng panauhin.

Ang isang dulo ng kulingtangan ay may tatlong hugis niaga, at sa kabilang dulo naman ay may disenyong sarimanok. Ang mga hugis na ito ay simbolo ng disenyong tradisyonal ng Maranao. Ang pag-ukit ng mga ganitong disenyo ay tinatawag na okir. Kabilang sa mga uri ng okir ay mga hayop, halaman at iba’t ibang disenyong pangkalikasan.

Ang korsi na ito ay nakolekta ni Datu Natangcup mula sa Lanao del Sur noong ika-28 ng Agosto 1962. Ang kulingtangan naman ay handog mula sa Palasyo ng Malacañang noong ika-9 ng Nobyembre 1956. Ang pares na ito ay kasalukuyang naka-eksibit sa ‘Museum of the Filipino People’.


hango sa

PEOPLES OF THE PHILIPPINES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting