National Museum Ethnographic Collection
ANTROPOLOHIYA



Kampilan ng Maranao







Ang kampilan na ito ay sandata ng Maranao na mayroong madisenyong hawakan na gawa mula sa tanso at ivory. Karagdagang disenyo ng hawakan ay ang nakabukang bunganga na mala-ahas (naga) ang hugis. Ang isang bilog na palamuti ay nagsisilbing mata ng hugis ahas. Dagdag sa kanyang palamuti ay ilang piraso ng buhok ng tao.

Ayon sa paniniwala ng mga Maranao ang sandatang ito ay ginagamit sa pagputol ng ulo ng kaaway. Ngayon, ito ay gamit ng kanilang mga datu at sultan bilang tanda ng kapangyarihan, kayamanan at mataas na katayuan sa komunidad. Ang kampilan ay ginagawa na lamang ngayon bilang isang bagay pangkalakal.


hango sa

PEOPLES OF THE PHILIPPINES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting