National Museum Ethnographic Collection
ANTROPOLOHIYA



Kumot ng Ifugao






Katangi-tanging koleksyon ng Sangay ng Antropolohiya ang isang kumot ng Ifugao na tinatawag nilang kinuttiyan. Iilan na lamang ito na makikita sa mga bayan ng Banaue, Kiangan at Hungduan sa lalawigan ng Ifugao. Ang kababaihan ang naghahabi nito gamit ang backstrap loom set sa ganitong mga klase ng kumot. Gamit ang mga sinulid na cotton, ito ay binababad sa natural na pangkulay na mula sa mga halamang ‘hawili’ (Elaecarpus pendulus) at ‘bolux’ (Acalypha stipulacea Klotz). Ang prosesong ito ay kilala sa tawag na tie-dye o ikat. Karaniwang gamit na pangkulay ay itim, pula at dilaw. Ang pula at dilaw ay ginagamit sa pagdagdag at pagpapaganda ng disenyo.

Ang kumot na ito ay may hugis tao sa gitna at ginamit sa pagtakip ng bangkay ng isang Ifugao. Ito ay nakolekta ni William Beyer noong 13-Hunyo 1968 para sa Pambansang Museo. Ito ngayo’y itinuturing na isang pambansang yaman.


hango sa

PEOPLES OF THE PHILIPPINES

A Museum Handbook for Teachers

Free Web Hosting