National Museum Ethnographic Collection
ANTROPOLOHIYA
Sinaunang Sulatin ng Pala’wan/Tagbanua/Hanunuo/Buhid
Ang pagsusulat ay isang sinaunang paraan ng komunikasyon sa Pilipinas. Lumaganap ang pagbabasa at pagsusulat sa buong kapuluan sa pamamagitan ng mga kumplikadong ruta ng pangangalakal. Sa halip na lapis at papel, ang mga sinaunang Pilipino ay gumagamit ng mga may tulis na kutsilyo, kahoy at uling upang sumulat sa mga patpat, kawayan, balat ng kahoy at dahon ng palma. Ang pagsusulat ay kinaugaliang gamitin sa pagpapahayag ng tula at pansariling liham.
Sa pangkalahatan, may 17 simbolo ang mga silabari ng Pilipinas kung saan ang 14 ay mga katinig at ang 3 ay mga patinig. Ang mga katinig ay ba, ka, da, ga, ha, la, ma, na, nga, pa, ra, sa, ta, wa, at ya. Ang pagdagdag ng ra ay kamamakailan lamang isinagawa ng ilang grupo. Ang pagdagdag ng isang marka sa taas ng isang katinig ay kumakatawan sa tunog “i/e,” at ang paglalagay naman sa ilalim ng katinig ay para sa tunog “o/u.” Sa mga katutubo na may sistema ng pagsusulat na nagmula sa baybayin, apat lamang na grupong etnolingwistika ang magpahanggang sa ngayon ay gumagamit pa rin ng kanilang sinaunang sulatin: ang Hanunoo at Buhid Mangyan ng Mindoro; at ang Tagbanua at Pala’wan ng Palawan. Gayun pa man, malapit na ring mawala sa kanila ang mga sulatin dala ng mga puwersang pangkultura na mula na rin sa kapaligiran. Dahil dito, may mga hakbang na isinagawa upang pigilin ang pagkawala ng mga sulating ito. Si Antoon Postma, isang dalubhasa ng antropolohiya,ay nagsikap buhayin ang sulating Hanunoo at nagtayo ng isang paaralan para sa nasabing hangarin. Sinimulan na rin ng Pambansang Museo ang isang proyektong naglalayong buhayin ang paggamit ng sulating Tagbanua at Pala’wan.
hango sa